Meet me and my Babe :”> WAHAHAHAHA. Dejk. Meet Ser Bri, ang boss kong super crush ko :3 SHET. Why so pogi Ser. Lakas pa ng dating. Eto yung kinuwento ko, yung nag-inuman kami before after ng shift. Sayang wala yung picture namin na kiniss nya ko sa chicks -_- Eh pero okay na to. May mga pictures pa naman kame sa phone nya :”> Wahahaha. He’s so sweeeet :”> Gaaaahhh I’m so melting ryt naaoooo <3

tagged → #daily #prsnl #lvstry #bpg
First Hint: Does my boss likes me too?

Eto yung day na parang unti-unti syang nagpaparamdam at nagkakaroon ako ng hint na parang gusto nya rin ako. Ewan ko ah, di ako sigurado pero kasi iba talaga eh. Iba yung kinikilos nya towards me and ang sarap sa pakiramdam. Kung ano man to, bahala na kung di nya ko gusto kfine. Kung gusto niya rin ako edi masaya :”> HAHAHAHA. Shit.

2014, April 5th

Half day lang pasok namin kasi wala naman talaga kaming pasok ng Saturday. So 10pm-3am lang shift namin. After ng shift, nagkaayayaan mag-inuman. Grabe, puyat kame tas shumat HAHAHAHA. And I never knew na may 24hrs palang bar dun. Madami rin kaming mga uminom kasi nanlibre yung ka-team namin nung nanalo sya sa singing contest. Si Judie, Pj, LA, Joan, Sam, Rejane, Erika, Janzen, Rhona, Kirby, Prince, Mira, Ako, Ma’am Yuki at Ser Bri. Tangina nga eh kasi late kami dumating ni Mira nun kasi kumain muna kami sa McDo. Edi after namin kumain pumunta na kami sa bar. Wala pang tao nun nahiya kami kasi kami naunang dumating sa venue, sabihin eh hayok kami sa alak hahahah eh eto si Mira tanga tanga kasi hindi kinuha yung contacts ng mga officemates namin. Gago lang so nag-hintay kami dun. Good thing is dumating si Prince dala kotse nya. So may kasama na kami mag-hintay :P Pinatawag ko kay Prince yung mga ibang kasama kasi wala nga kaming contacts. Maya-maya nag-text, andun nadaw pala sila sa loob ampota. HAHAHAHAHA. Leche. So pagka-pasok ko si Ser Bri kagad bumungad sakin :”> Pagdating namin medyo tipsy na sila tas nagkakantahan, Red Horse yung iniinom medyo aaccckkk -_- Umupo nako nun sa tabi ni Prince. Nililink kase nila ko kay Janzen kasi crush daw ako nun. Kunwari kausap ko si Mira at kunwari wala kong naririnig na chinichismis nila ko :P Tas maya-maya narinig ko sabi ni Ser Bri eto si Janzen aagawan pako oh. Shit. Kinilabutan ako di ko sure kung yun ba narinig ko pero ewan tangna shit shit. HAHAHAHA. Tas nag-simula nako kumanta kanta, shot shot. Vinideohan nya ko nung kumanta ko ng Crazy For You :”) Hihih. Tas nung medyo tipsy nako, lumabas ako para mag-smoke. Ilang months narin ako di nagyoyosi pero di ko matiis kapag nainom lalo na’t nahihilo nako. Nung lumabas ako andun sila LA, Prince, Mira at Ser Bri nagkkwentuhan. After ko makisindi kay Prince, pumasok na silang dalawa ni LA sa loob tas kami nalang ni Mira at Ser Bri natira. Naka-upo ako tas nasa gilid ko si Ser Bri nakatayo tas sa harap ko si Mira. Maya-maya tinanong ako ni Ser Bri kung sino daw ba crush ko. Tangna gulat ako tas napatingin ako kay Mira (alam kasi ni Mira na gusto ko si Ser Bri) Pinipilit talaga ko ni Ser kung sino crush ko tas kunwari tumingin ako sa loob para kunwari tinitignan ko dun crush ko :P Tas sabe ko wala kong crush. Tas hinawakan nya yung chin ko gulat ako ang soft ng pagkakahawak tas shit. Gaaaahhh. Tinanong kami ni Ser Bri kung ano daw firt impression namin sakanya. Sabi ko para kang bakla. Hahahah eh kase totoo naman. Admitted rin sya dun. Pero di daw sya bakla, parang tinatanggap nalang rin nya yung impression na yun para daw walang malisya sa mga babaeng kaibigan nya. Sabi ko lul manyak ka lang eh HAHAHAHAHA tangna buti di nya narinig yon :P Sorry naman, tipsy na eh :D Tas pinakita nya picture nila ng gf nya -_- Lampake hahaahh. Nung day nayun ko nalaman na may gf na sya at 35 yrs old na pala sya. Pero di talaga halata ang bata ng ichura nya. Gosssh may gusto ko sa lalaking kasing edad na ng tito ko pucha. Yaan muna ~~ Maya-maya tinawag nako ni Ma’am Yuki kasi kanta ko na. Tangna medyo bitin lol. Tas nakita ko nag-uusap si Ser Bri at Mira. After ng song ko, sila Mira at Ser Bri naman yung pumasok at ako lumabas par mag-smoke ulit. After ko mag-smoke, nagulat ako nakaupo na si Ser sa upuan ko. Eh di naman nakaupo si Prince so dun muna ko so bali tabi na kami. Pasimple pa to si Ser, gusto rin ako tabihan :P Tas ang lapit na namin super, hinawakan nya paa ko kasi nasipa ko sya hahaha pumipili ako ng kanta nun tas maya-maya sabi ko. “Ser delete mo mga picture at video ko dyan sa phone mo ah.” Tas nagpa-cute lang sya sakin, nag-smile sya :”> Maya-maya niyaya nya ko picture daw kame <3 Hihih. s4 kasi phone nya ko may front cam, eh mahilig ako sa ako hahawak ng phone. So ako nag-hawak ng phone nya. Tas shet pota dinikit nya chicks nya sa chicks ko tas pinatong nya chin nya sa shoulder ko as in ang lapit :”> FUUUUUUUUUCCCCKK. Ang daming takes nun, la eh mahilig ako mag-picture. Tas tinignan ko nung sila naman nag-picture ni Sam, di naman sya lumapit :P Tas sabi ni Ate Rhona nung tinignan nya picture namin, “Ser parang may similarities kayo.” Tas sabi ni Ser, "Magkamukha kami, parehas kami ng mata." Shit. Tas maya-maya nag-tataka nako bakit inaasar na nila kami. It’s either baka alam na nilang gusto ko si Ser or alam nilang may gusto sakin si Ser. Choosss HAHAHAHA. Ang conceited ko lol. De kase wala pa namang nakaka-alam na gusto ko si Ser eh. Tas later on kami nalang si Ser Bri magka-tabi sa side na yun. Tas sabi ng mga office mates namin, "Ser Bri, picture kayo ni Jane" Tas nung magppicture na kami, kiniss nya ko sa chicks :”“”> Di ko alam kung nananaginip ba ko nun o hindi, ewan ko pero ang saya. Ang tagal pa nun, mga 5secs siguro :P Kasi ang tagal mag-click ng camera hahahah. Tas dipa sya nakuntento, inutusan pa nya si Ma’am Yuki picturan kame :”> Nahahalata ko sumisenyas si Ma’am Yuki "Ser Bri oh." Tingin sakin tas picture. Ewan ko ibig sabihin nun pero ang saya. 8am na natapos yung shot. Wala namang nangyari something na kung akala nyo :P Hahahah. Yun lang talaga, picture lang. Tas nag-decide kami na kumain sa gotohan para daw mawala yung tipsy. Nung nasa resto na kami, umupo nako kasi sobrang init tas tumabi sya sakin :”> Nag-labas nako ng money para umorder, balak ko mag caramel sundae eh malayo pa yung McDo dun. Tas biglang sabi nya "Ano ba gusto mo?" Sabay nag-labas syang pera tas inutusan si Mira bumili ng caramel sundae sa McDo :”> Sweet tangna shet. Tas medyo naghaharutan kami nun, nilalaglagan ko ng breadsticks yung lugaw na kinakain nya tas sabi "Ayyy, last na yan ah." Wala lang para kaming mag bf at gf nun tae. After kumain nagpunta kaming Walter para mag CR pero sila Ma’am Yuki and the rest, umuwi na. Nauna sya matapos mag CR tas gulat ako paglabas ko, hinihintay nya ko sa labas habang tumitingin sya ng cp nya. Yung parang normal na gawain ng guys kapag hinihintay nila gf nila from comfort room? Ganun na ganun ichura nya :”> Ang sweet lang talaga si Mira napapatingin na samin HAHAHAHAHA. Dapat ihahatid pa nya ko sa Bayan eh. Super hilo talaga ko nun that time. Pero shit talaga napaka-unforgettable ng mga nangyari. Ang saya :”>

tagged → #daily #lvstry #bpg
I think I like my boss :”>

2014, March 31st

Bago ako pumasok,nag WeChat ako kay Ser Bri na baka hindi ako makapasok kasi 3 days ng masama pakiramdam ko at pinipilit ko lang. Btw, si Ser Bri nag-add saken sa WeChat shet :”> Wahahahah. Tapos sabi nya bawal daw hindi pumasok ng Monday kasi critical working day. Eh sobrang hina ko that time sa isip-isip ko, papasok ba ko o hindi kasi syempre call center ako puyat yun tas masama pakiramdam ko super lamig pa sa office baka bumigay ako :/ Tapos kinilig ako nung sinabi nyang kung hindi mo talaga kaya wag mo pilitin ha. Kinikilig ako syempre kasi nung si Dianne nag-paalam na di sya papasok pinagalitan sya eh :P Wahahaha.Tapos this day na QA ako :(( QA means nakapag transfer ako ng bad call. Kasi fronter ako and gawain ng fronters ang mag-transfer ng mga qualified calls. Eh dapat hanggang 3QAs lang kasi 1st offense, written warning tas 2nd offense, verbal ata tas mock call then 3rd offense, matatanggal na T.T Eh nakaka-isa nako plus na QA ako ulit so ayun isang offense nalang tanggal nako :(( Eh that time wala si Ma’am Yuki so si Ser Bri nag-handle saken. Nung una medyo nagalit sya then maya-maya nilandi nya ko gaaaahh. HAHAHAHA. Di naman landi talaga hmmm eh kase instead of magalit sya naka-smile pa sya saken tas kinikiliti-kiliti pa nya ko :”> Sabi nya pa last offense nalang matatanggal kana ayoko namang mawala ka sa account na to like shiiiiiiiiittttt ayoko rin naman iwan ka Ser :P Wahahahahaha. Tas nag-mock call kame, yung kunwari sya yung tatawagan ko tas bawat tamang sagot ko naka-smile sya saken <3 Basta ang sweet nya. Kapag nagloloko yung PC ko sya nag-aayos eh may IT naman dun :P Hahahah. Basta iba kasi eh, tuwing kausap ko sya yung tipong di ko na mapigilan ngumiti kaya siguro mejj obvious na kinikilig ako uuugghhh. 

2014, April 1st

Sobrang kinakabahan nako mag-transfer ng calls kasi baka not qualified nanaman :/ Tapos talagang nakabantay sya sakin :”> Ang sweet he’s always reminding me na mag-ingat heheh <3 Tapos naka-focus pa sya sa stats ko. Nung uwian na kinalabit nya ko sa likod sabay sabi congrats wala kang bad transfer ngayon shettttttt <3

2014, April 4th

May event sa office. Singing contest, Sync Galing. Maaga kami pinapasok ni Ser Bri for attendance chorva. Pero medyo nagpa-late ako kasi wala naman akong participation dun, mag-iinarte lang ako wahahaha. Pagdating ko hinanap ko kagad si Ser Bri. At ang layo niya saken :( Umupo nako sa bandang likuran kasi puno na sa harap. Tas maya-maya napansin ko lumpiat siya ng pwesto malapit sakin :”> Tas ayun nagulat ako bigla ko tinatawag, mejj nagpapapansin sakin :P Tas 2 times ko sya nahuling nakatingin sakin. Kala mo Ser ha :P Wahahahah. Tas after ng event, siya mismo nag-abot nung salary ko :”> Ito yung day na I proclaim na super close na talaga kami :)

tagged → #daily #lvstry #bpg
Minadaling diary :D

2014, April 7th
Grabe, ngayon nalang ulit ako nakapag Tumblr -.-“ Simula kasi nung natanggap ako bilang call center agent, sobrang napaka inactive ko na at namimiss kona blog ko :( Namimiss kona mag-kwento :( 9pm-6am kasi pasok ko sa work tas kung hindi magpapa-meeting yung boss kong crush ko eh baka 7am nako makauwi tas pag-uwi, kain konti tas tulog magigising ako minsan 5pm minsan 7pm. Tas linis bahay, luto tas ligo na then pasok so wala na talaga kong time para mag-open ng laptop. Tweet tweet nalang sa phone ko tas konting FB hehe. Wala naman akong pasok ng Saturday at SUnday pero kulang parin yun para mabawi ko yung puyat ko for 5days huhu. Kaya lang ako nakapag blog ngayon kasi 12am-8am ang pasok ko ngayon so mahaba ang oras ko to Open my laptop :)

***Throwback***

2014, March 12th; Wednesday

I was so unprepared, bigla kong naisipang mag-apply sa call center company malapit lang dito sa labas ng subd namin. Kasi nga diba kailangan working student sa scholarship na inapplyan ko sa Dlsu-D, tsaka yung interviewer naman nag-insist sakin na mag-call center daw ako. So ayun pumunta ko dun ng walang make-up, pulbo lang na binili kopa sa convenient store tas konting lip tint and messy hair. Bago yung interview may konting exam sa english proficiency at computer literacy. Nakakatuwa kasi yung proficiency in english test dun eh same dun sa na-take kong exam via online so may konting idea nako :3 I got 78% sa English prof which is passing naman kasi 80% daw highest eh tas I got 92% sa computer literacy :3 Not bad hehe. Then afterwards nakapasa ako sa initial and hr interview. Pinabalik ako ng 9:30pm for the final interview. Akala ko nun hoax lang yung company kasi parang imposible na interview eh gabi kaya nag-pasama ko ke Papa nun pero umuwi din naman sya agad :D

2014, March 13th-17th; Thursday, Friday & Monday

Training ako for 3days before mag-start. Napaka-boring mag-training sobra -.-” Ang loner kopa sa likod tas minsan lang ako puntahan ni Ma’am Yuki kaya wala, super boring. Madalian pa yung pag-turo ng gagawin pero good thing, na-gets ko naman sya agad.

2014, March 18th; Tuesday

First dial ko. Sobrang nakakalito at nakaka-depress sya nung una. Sobrang kinakabahan ako hindi ko alam isasagot ko -.-“

2014, March something (nakalimutan kona kasi wahahaha :p)

First time akong pansinin ni Ser Bri :”> Kasi pag may bago dun pinapakanta nila. So ayun kumanta ko pero before yun, tinanong muna ko kung ilang taon nako tsaka kung may bf daw ba ko kasi nillikn nya ko kay JC. Suuss, if I know gusto mo lang malaman kung may bf ako :P Wahahh jk. At kung di nga naman ako sswertehin eh, natabi pako kay Ser Brian <3 Tanginaaaa shit shit <3

tagged → #lsvstry #bpg #daily
tagged → #verses
We zo cute 😊 With bby @reynaroux ❤️ #piccollage #shot

We zo cute 😊 With bby @reynaroux ❤️ #piccollage #shot

tagged → #shot #piccollage #instagram #prsnl
Birthday ng Mommy ni @tuneytserolf :3 Shot muna bago pumasok sa office 😜😜 👍 #piccollage

Birthday ng Mommy ni @tuneytserolf :3 Shot muna bago pumasok sa office 😜😜 👍 #piccollage

tagged → #piccollage #instagram #prsnl
Viber call with my Sissy :&#8221;&gt; Ngayon nalang ulit ako nakapag Tumblr at naka-open ng laptop kasi super busy sa call center well at last nagka-usap narin kami ng call talaga weee :3 Namiss ko siya sobra :&#8217;( At kahit 3PM dito tas I think 12AM na ata Washington kinausap nya parin ako :&#8221;&gt; So sweet ng pretty sister ko &lt;3 Gaaaaahh tas so cute pa ng voice niya &lt;3 I love you Siiisss :*

Viber call with my Sissy :”> Ngayon nalang ulit ako nakapag Tumblr at naka-open ng laptop kasi super busy sa call center well at last nagka-usap narin kami ng call talaga weee :3 Namiss ko siya sobra :’( At kahit 3PM dito tas I think 12AM na ata Washington kinausap nya parin ako :”> So sweet ng pretty sister ko <3 Gaaaaahh tas so cute pa ng voice niya <3 I love you Siiisss :*

Singkit o malaki lang talaga eyebags?? Wahahaha. Ang cutie ng headwear ko ehhvss ❤️

Singkit o malaki lang talaga eyebags?? Wahahaha. Ang cutie ng headwear ko ehhvss ❤️

Finally we met again weee. Movietrip ng Peter Pan while eating frenchy fries ❤️👍

Finally we met again weee. Movietrip ng Peter Pan while eating frenchy fries ❤️👍

cursor credit